Personal Story of Cultural Adjustment
...mistaken, nag-try pa yan sila kumain ng ano eh, ng baboy. Ginawa ni Sarah.
Naku, sabi ko, "Ay, ito na talaga. Ang ganda talaga ng magiging ano ko, future ko," sabi ko.
Hindi pa ako nakakarating sa India, ha? Hindi pa ako nakakarating sa India.
So ito si gaga, nag-i-imagine na.
Sa tagal ng panonood ko kina Singh and Sarah, yung utak ko nag-fantasize na.
Okay? Lumipad na ang utak ko.
Feeling ko yung buhay niya, yung mangyayari sa kanya, mangyayari sa akin.
Ito na, nandito na tayo sa reality part ng buhay ko. Ng buhay ko ha, ng buhay ko.
Mahal na mahal ko yung asawa ko.
Okay naman siya, okay siya.
Siya yung kauna-unahang Indiano na nakilala ko eh. Papatulan ko ba yan kung hindi siya okay?
Sabi niya naman sa akin, okay naman daw yung family niya, mabait naman daw yung family niya. Let's go to India. Hindi ako nag-background check. Naniwala lang ako sa partner ko.
Sumama ako.
Sabi ko, "Ito na yun. Talagang mararanasan ko na."
Then, mga 1 month, o ganyan, 2 months, prinsesa pa ang gaga. Sabi ko, "This is it!"
Ito na talaga 'to. Parang yung napapanood ko sa social media, ito na talaga 'to, sabi ko.
Kaso tumagal-tagal, parang nag-iiba.
Sabi ko, "Hindi ito yung napapanood ko sa social media."
"Hindi ganito yung buhay ni Sarah. Bakit hindi ganito sa akin?"
Tapos yung asawa ko, nag-iba yung ugali.
Syempre, nandoon siya sa pamamahay niya.
Poder niya yun.
Kasama niya yung magulang niya, yung nanay niya, yung tatay niya. Bunso pa siya.
Pina-uro pa siya ng kanyang magulang.
Lumabas ang kulay niya talaga. Nagulat ako sa mga pangyayari.
Sabi ko, "Hindi ito yung asawa ko," sabi ko.
Si Baljit, hindi ganito, sabi ko ha.
Dumating na sa point na ikinukumpara ko na yung buhay ko sa buhay ni Sarah.
Tapos yung mother-in-law ko, iba yung sapak ng utak.
End of transcript · 328 words